CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Sunday, December 10, 2006

Mga Sayang na Salita...

Mga Sayang na Salita...

Sabi ko dati, kakalimutan na kita
Mas mabuti pang mabuhay mag-isa
Hindi ko naman kailangan nang katulad mo
Marami pa dyan na mas higit pa sayo

Sabi ko dati, kayak o naman mag-isa
Kaya kong humanap dyan ng iba
Mamahalin ko muna ang aking sarili
Hindi ka na mababangit nang aking labi

Sabi ko dati, kawawa ka naman
Ang tulad mo ay nakapadaling palitan
Wala nang taong magmamahal sayo
Tulad nang pagmamahal na binigay ko

Sabi ko dati, paalam na sa iyo
Pero hanggang ngayon ikaw parin ang nasa puso ko
Hindi na ako magpapaka-tanga
Inaamin na ikaw lamang talaga

Sabi ko dati, mahal na mahal kita
Tanging ikaw lang at wala nang iba...

0 comments: