CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Friday, September 14, 2007

Palamuti...

Mahirap mag-isip
Naunahan ng kaba
Matutupad ba ang panaginip?
Magiging akin ka nga ba?

Nagpapadaloy na lang sa hangin
Tinatakpan ang mga mata
Nanliligaw parin
Kahit humahadlang ang iba

Sana ay iyong nararamdaman
Luha sa mga mata
Sana ay iyong malaman
Mahal kita aking sinta

Kung ayaw mo sa akin
Sabihin mo na
Kung ako naman ang pipiliin
Abot langit ang ligaya...

Thursday, August 30, 2007

Kape...

Kape...

Kay hirap ng ganito
Shit, napana na kaya ako?
Hindi ko alam kung ano
Sa piling mo masaya ako

Heto na naman
Handa muli masaktan
Sana ako'y ingatan
Pansinin kahit minsan

Sana lang nararamdaman
Hindi na kasi mapigilan
Mahirap naman ipagsigawan
Tyaka mo na malalaman

Naiisip kita kaya ko to ginawa
Namimiss kita, hindi ba halata?
Kung alam mo lang na laging tulala
Tinitignan ka mula sa mga tala

Sunday, August 26, 2007

Kung Alam Mo Lang...

Kung Alam Mo Lang...

Nakatingin ako sayo
Nakapikit ang mga mata mo
Pagod at parang mahuhulog
Sa braso ko, ika'y nakatulog

Tila ako ay napa-isip
Kung totoo ba ito o panaginip
Hindi talaga ako makapaniwala
Mananatili na lamang tulala

Sinusulit ang bawat sandali
Ngiti ang makikita sa labi
Kay ganda mong pagmasdan
Sana wala nang hangganan

Nakatingin ako sayo
Nakapikit parin ang mga mata mo
Nandto lang ako para iyong sandalan
Hinding hindi kita pababayaan

Tuesday, August 07, 2007

I Knew I Loved You...

I Knew I Loved You...

Ever since that day
I feel this as I lay
Those eyes, little yet so deep
Is all that I dream, back to sleep

I was never the same
People say I'm going insane
What do they really know?
In my mind, you're on every show

How I wish time would just freeze
As your hair is swept by the breeze
So that I can take one good look at you
To look at you is all that I can do

It was love at first sight, you caught me
Life was not the same as it used to be
As crazy as this might get
Believe me, I knew I loved you before we met

Sunday, August 05, 2007

True Love Waits...

True Love Waits...

Right now my emotions are mixed
Something that is really hard to fix
All that I can do is to be alone
I don't want to hurt you anymore

A crisis that I must face right now
Help is what I needed somehow
No guarantees of what the future holds
I'm sorry for becoming this cold

To my friends who's always been there
Thanks for your never ending care
This is something that I must do
To set the goal I've been aiming through

All I really want is a hug
From the girl who will I truly love
The one who will mean the world to me
The one who I will be happy and free

Whoever you are
I want you to know, you're my wishing star
The signs that had been so true
Whoever you are, I love you

Sunday, July 22, 2007

Hay...

Hay...

Kasalanan ko ba na mahulog
Magising ang pusong tulog
Mula ng ikaw ay makilala
Simula pa lang ay bihag mo na

Bakit hindi kasi nag-iisip
Nagpatangay na lang sa ihip
Kahit maraming sagabal
Pinili parin magmahal

Dapat hindi na lang sinabi
Palibhasa ay makati ang labi
Nalaman tuloy ang sikreto
Ngayon ay nalilito

Panahon para may maka-alam
Dahilan ng hindi pagpaparamdam
Mas madali pa satin ang ganito
Ikaw lamang ang nasa puso

Saturday, July 07, 2007

Coffee...

Coffee...

I just woke up from bed
Your message has been read
I check on the time, its three
Went down to get some coffee

Days gone by without a clue
Still in my mind I think of you
Anything is as real as it can be
Am I alone fighting destiny

I opened my heart knowing pain
Just love you, nothing to explain
Never expected how things turn out to be
Life is complicated the way I see

When the right thing is the hardest thing to do
Still I'll be with you
But I guess you don't need someone like me
I'll just take another sip of coffee

Thursday, June 28, 2007

Priestess of the Moon...

Priestess of the Moon...

I never thought I'll see your face
A cloudless night and an empty space
Glowing under the beam of the moon
Another dream ended so soon

In the shadows I hide and wait
To live alone and trust in faith
Hoping to bump into you
To let go of all I've held onto

Sometimes I cry because of the pain
But with every tear strength is regained
Stars that fall from the heavenly skies
Wishes that come true even to fly

If this is just another phase
Another phase wishing to be erased
Tell me was it love from the start
Or just an arrow hitting my heart

Tuesday, June 26, 2007

Embrace...

Embrace...

I have a bag, your gift to me
Always wrapped around my body
With it are all my things
It gives me such a happy feeling

I have a bag, hangs on my shoulder
Feel like I'm a lot sexier
Makes me proud, makes me smile
This is something that fits my style

I have a bag, a dream come true
because this bag came from you
Nothing in this world can ever compare
Just like the love we used to share

I have a bag, it is dirty now
Wondering if you loved me somehow
In the end, I am the fool
Once a great bag, now a tool

Friday, June 22, 2007

Huwag Mo ng Itanong...

Huwag Mo ng Itanong...

Bakit ka ba makulit?
Tinatanong ang mahal ko
Bigla na lang magagalit
Kapag hindi sinabi sayo

Ayaw kong sabihin
Lihim ko sa iyo
Ako sana'y intindihin
Ayokong malaman mo

Pinagdadasal araw-araw
Maging masaya ka
Sa panaginip nagsasayaw
Magkayakap sinta

Hindi ko sasabihin
Ayokong malaman mo
Na ang taong mamahalin
Ikaw ang taong mahal ko

Sunday, June 03, 2007

Tide Ultra...

Tide Ultra...

Nung nasa high school ikaw ang pantasya
Pinapanalangin na ikaw ay makasama
Pero nung sa concert ikaw ay nakita
Nawala lahat ng aking pag-asa

Ilang beses ako ay nagmukmok
Ang pader ay ilang beses sinuntok
Hinayaan na lang ang nararamdaman
Wala naman kasing patutunguhan

Laking gulat ng nakita kita sa la salle
Parang sinagot ang aking mga dasal
Sobrang daming nagbago sayo
Makikilala mo pa kaya ako?

Gusto sana kita lapitan
Para mas lalong makita ang iyong kagandahan
At sabihin sayo ang mga gustong sabihin
Mga alaala na nakatago sa aking damdamin...

Sunday, May 27, 2007

60th Eng...

60thEng...

Sa pagtambay ko sa engwalk
Nakakarinig ako ng mga trashtalk
Mula sa iba't ibang taong nakatambay
Mga taong walang magawa sa buhay

Nakatingin sa mga dumadaan na estudyante
Lalong lalo na sa mga magagandang babae
Ang mga short nila ay sobrang iiksi
Kitang kita ang makikinis na binti

Isa pa sa mga pang araw-araw na gawain
Ay ang pagbili sa agno ng masarap na pagkain
Pag-upo mo naman ay may nakaabang na pusa
Nagaantay na bigyan mo ng konting biyaya

Kakaiba talaga maging isang eng
Pero masasabi ko lang, tayo'y magagaleng
Kahit dumadaan tayo sa hirap at dusa
Samasama naman tayo sa lungkot at ligaya

Friday, May 25, 2007

Lunch...

Lunch...

I don't know why I'm happy
Maybe because your with me
Even if it was just like a few minutes
It made my heart burst to its limit

I want to tell you that you really look gorgeous
and that any man would have been jealous
to be with a woman like you
is like a dream come true

I wish that the world would stop turning
that time would just stop running
because I want to cherish this moment forever
the moment that we are together

If I could only say to you what I feel
Would you really think that I'm for real
But it's too early to let you know
That my feelings for you slowly grows...

Thursday, May 10, 2007

Summer sa La Salle

Summer sa La Salle...

Maaga pa lang nasa campus na ako
Konti pa lang ang mga tao
Ang paligid ay tila napakatahimik
Rinig ang pag-nguya mo ng kornik

Sarado halos lahat ng kainan
Konti lang ang iyong mabibilan
Nakakamiss yung masarap ng shawarma
Hindi ko napansin na nawala pala

Madaming lugar na mauupuan
Hindi kagaya noon, siksikan
Nasan na kaya ang mga tao
Nawala na yung madalas tumambay dito

Tinitignan ko kung may pagbabago
Kakaiba talaga ang summer ko dito
Maiinit sa labas ng room, malamig sa loob
Nakukuha mo ba ang nais kong ipakutob?

Violet Tulips

Violet Tulips...

Masaya ka na ba ngayon?
Puso mo'y sing pula ng hapon.
Pangyayari'y kay ganda tignan
Nagkaroon ng maayos na katapusan

Sa tagal nating nagkakilala
Masasabi ko ngayon na masaya ka na
Natutuwa ako sayo
Wala itong halong loko

Simula ng hindi ka na nagparamdam
Tinignan ko ang iyong mga liham
Ibang iba na tayo
Kay dami ng bagay na nagbago

Maraming salamat talaga sa iyo
Kilala mo naman kung sino ka siguro
Isang magandang kabanata sa akin ala-ala
Tinatapos ko sa pamamagitan ng isang tula

Wednesday, January 03, 2007

Nabara... Pambara...

Nabara...
Sana ganun lang kadali
Kalimutan ang lahat nang pighati
Na itapon lahat nang nakalipas
Maging masaya ang bukas

Sana ganun lang kadali
Mabuhay sa bawat sandali
Sa bawat problemang kinakaharap
May matutunan sa bawat hirap

Sana ganun lang kadali
Tumayo mag-isa at ngumiti
Kapag nadapa ka sa mga problema
Harapin ulit kahit nag-iisa

Sana ganun lang kadali
Kalimutan ang lahat nang pighati
Lumaban kahit nasusugatan
Magmahal kahit na nahihirapan


Pambara...
(Tula ni Bagie a.k.a. Kristelle)

Sa bawat kawalan
At bawat pagkadapa
Sugat at galos
At ligayang nawala

At sa bawat kawalan
Takot ng pag iisa
Wag kang mag alala
Dadarating din sya

Siyang uuwian, sa pagtatapos
Kasama sa gitna ng unos
Wala ng pagkukunwari
Wala ng pighati

Sa bawat kawalan
Isipin mo na lang
Meron nakalaan
Siyang kahit kailan

...di kaiiwan