CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Friday, September 14, 2007

Palamuti...

Mahirap mag-isip
Naunahan ng kaba
Matutupad ba ang panaginip?
Magiging akin ka nga ba?

Nagpapadaloy na lang sa hangin
Tinatakpan ang mga mata
Nanliligaw parin
Kahit humahadlang ang iba

Sana ay iyong nararamdaman
Luha sa mga mata
Sana ay iyong malaman
Mahal kita aking sinta

Kung ayaw mo sa akin
Sabihin mo na
Kung ako naman ang pipiliin
Abot langit ang ligaya...