CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Sunday, May 27, 2007

60th Eng...

60thEng...

Sa pagtambay ko sa engwalk
Nakakarinig ako ng mga trashtalk
Mula sa iba't ibang taong nakatambay
Mga taong walang magawa sa buhay

Nakatingin sa mga dumadaan na estudyante
Lalong lalo na sa mga magagandang babae
Ang mga short nila ay sobrang iiksi
Kitang kita ang makikinis na binti

Isa pa sa mga pang araw-araw na gawain
Ay ang pagbili sa agno ng masarap na pagkain
Pag-upo mo naman ay may nakaabang na pusa
Nagaantay na bigyan mo ng konting biyaya

Kakaiba talaga maging isang eng
Pero masasabi ko lang, tayo'y magagaleng
Kahit dumadaan tayo sa hirap at dusa
Samasama naman tayo sa lungkot at ligaya

Friday, May 25, 2007

Lunch...

Lunch...

I don't know why I'm happy
Maybe because your with me
Even if it was just like a few minutes
It made my heart burst to its limit

I want to tell you that you really look gorgeous
and that any man would have been jealous
to be with a woman like you
is like a dream come true

I wish that the world would stop turning
that time would just stop running
because I want to cherish this moment forever
the moment that we are together

If I could only say to you what I feel
Would you really think that I'm for real
But it's too early to let you know
That my feelings for you slowly grows...

Thursday, May 10, 2007

Summer sa La Salle

Summer sa La Salle...

Maaga pa lang nasa campus na ako
Konti pa lang ang mga tao
Ang paligid ay tila napakatahimik
Rinig ang pag-nguya mo ng kornik

Sarado halos lahat ng kainan
Konti lang ang iyong mabibilan
Nakakamiss yung masarap ng shawarma
Hindi ko napansin na nawala pala

Madaming lugar na mauupuan
Hindi kagaya noon, siksikan
Nasan na kaya ang mga tao
Nawala na yung madalas tumambay dito

Tinitignan ko kung may pagbabago
Kakaiba talaga ang summer ko dito
Maiinit sa labas ng room, malamig sa loob
Nakukuha mo ba ang nais kong ipakutob?

Violet Tulips

Violet Tulips...

Masaya ka na ba ngayon?
Puso mo'y sing pula ng hapon.
Pangyayari'y kay ganda tignan
Nagkaroon ng maayos na katapusan

Sa tagal nating nagkakilala
Masasabi ko ngayon na masaya ka na
Natutuwa ako sayo
Wala itong halong loko

Simula ng hindi ka na nagparamdam
Tinignan ko ang iyong mga liham
Ibang iba na tayo
Kay dami ng bagay na nagbago

Maraming salamat talaga sa iyo
Kilala mo naman kung sino ka siguro
Isang magandang kabanata sa akin ala-ala
Tinatapos ko sa pamamagitan ng isang tula