CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Monday, December 18, 2006

Inaantok...

Inaantok...
Nakahiga, nagiisip
Isa na lamang panaginip
Pangarap na makasama ka
Sadyang walang pag-asa
Naghihintay na lang sa tabi
Masulyapan lang kahit sandali
Baka sakaling ako'y mapansin
Baka sakaling mahalin mo rin
Ilang beses nang sinubukan
Lahat nauwi sa kapalpakan
Hindi alam kung anung gagawin
Para ako ay iyong mapansin
Pero ngayon tanggap ko na
Hindi tayo para sa isa't-isa
Kung akala mo ika'y iiwan
Mananatili parin bilang kaibigan

0 comments: