CLICK HERE FOR BLOGGER TEMPLATES AND MYSPACE LAYOUTS »

Sunday, November 12, 2006

Kailan...

Kailan...

Ilang beses na akong naghihitay
Ilang oras na akong nakatambay
Sa labas, sa inyong bakuran
Masulyapan lang iyong kagandahan

Nagmula pa sa ibang ibayo
Di nagpaharang sa mga bagyo
Dala dala'y malinis na hangarin
Umaasa na ako'y iyong mahalin

Ngunit sapat na ikaw ay makita
Dahilan ng abot langit na ligaya
Sa iyong tinig ako'y naaaliw
Ang iyong ngiti, nakakabaliw

Hanggang tingin na nga lang ba ako
Ang raramdaman ko nama ay totoo
Ngayon pa lang sasabihin ko na
Mahal kita, nararamdaman mo ba?

0 comments: